Tuesday, November 27, 2012

Hanggang Ngayon, at Hanggang Doon na lamang


Sa paglipas ng mga araw
     Ramdam ko ang iyong bawat galaw
Malayo ka ma’y natatanaw
     Naririnig mo ba ang aking sigaw?

Puso’y naghintay sa pagdating ng panahon
     Isip ko’y naglakbay saan ka man naroroon
Sadya nga bang hanggang ngayon
     Pag-ibig di nawasak ng alon?

Oh, mapaglarong tadhana
     May himig ng pagsinta sa t’wing ika’y nakikita
Tayo nga ba’y para sa isa’t-isa?
     Kung ang laman ng puso’y mayroon nang iba

Mga pangarap ay nagbago
     Ang pag-asa’y napawi at sumuko
Alaala mong pilit itinago
     Ngayo’y nagbabalik at nanunukso

Ano nga ba itong nararamdaman?
     Ikaw at ako’y pasulyap-sulyap na lamang
Ito’y pag-ibig bang dapat pigilan?
     Tanging tadhana lamang ang nakakaalam

Huwag ngayon, oh, huwag mong sabihin
       Na ako ngayo’y iyong iibigin
Kung noon ikaw ay dapat sa akin
     Ngayon sa piling niya ako’y panatag na rin.

                                               - thenameisAmanda

No comments:

Post a Comment